jesyjesy.wordpress.com, October 2015
Na pag nakarinig ka ng nagta-tagalog sa Walmart, hahanapin mo yung may-ari ng boses.
Na mahal ang pinoy corned beef sa Asian store
Na sayang ang pagka-fluent mo in beki kasi walang maka-gets pag napasabi ka ng “choz!”
‘Tong si Ate, tagos makasulat. I miss you, Pinas.
Kakabasa ko lang ng What they don’t tell you when you leave the Philippines ni Ate Shakira Sison for Rappler. Hindi talaga pumreno si Ate sa pag-narrate ng buhay ko. Siguro magkasabwat sila ni Sir Elton John.
Nung mabasa ko ‘to, andami kong binalikan. Yung mga huling araw ko sa Pilipinas na walang hanggan ang saya kasi puros despedida, yung excitement ng bagong simula (certified ningas kugon), yung bittersweet na 22hr flight pa-Amerika dahil finally, magkakasama na kayo, pero may malaking parte mo ang naiwan dun oh (may kasamang nguso). Sa totoo lang, sa mga panahon na yun, hindi naman talaga ako nalungkot: yung idea ng lungkot siguro, oo, naisip ko. Pero hindi ko naramdaman nang todo. Excited pa eh.
Pero unti-unti, it creeps on you. Sa araw-araw na gigising ka, at aalis ang asawa’t anak papunta sa trabaho’t eskwela, maiiwan ka sa maginhawang bahay na may A/C at hot water pero walang kausap. Tuwing Friday ng umaga, lalantad sa timeline mo ang realtime photos ng mga kaibigan sa Pinas (gabi dun ngayon, gimik night), at di mo aakalaing pati traffic sa EDSA mami-miss mo kasi di ka maka-relate. Pagsapit ng gabi, pag deserving ka na sa wine na binili mo on your way home from work, susubaybayan mo ang #weekendplans nila sa facebook/instagram/twitter habang naka-online ka sa skype (oo ikaw lang). ‘Yaan mo, ikaw naman ang weekend, magsaya ka. Ang ganda-ganda dito sa Amerika eh, andaming parks at country fairs. Honggondo ng fall foliage, magugustuhan to ni sister for her selfies; masarap yung barbecue, magugustuhan ‘to ni kuya, lakas lumamon nun eh; masarap ang simoy ng hangin, magugustuhan ‘to nila mama at papa. Wala… wala na. Isimba mo na lang yang lungkot mo bukas. [Miski sa simbahan, mami-miss mo yung “Papuri”, tsaka “Kordero”, at yung pagpalakpak ng mga tao pagkatapos ng misa.]
Na-inform ka naman, ‘yan ang lagi nilang sinasabi: ang pinaka-matinding kalaban, yung lungkot. Alam mo naman yun, pero iba pag pisikal mo nang nararamdaman yung pangungulila na kapalit ng ginhawa. So, totoo pala.
Walang iniwan ‘tong si Ate Writer, swakto yung mga tirada niya. Na-warn ka man dun sa lungkot (na abstract pa sayo noon kaya akala mo, wala sisiw yun), di mo naman in-expect na yung maliliit na bagay, yun ang mabigat. Defying laws of physics. What they don’t tell you when you leave the Philippines:
Na pag nakarinig ka ng nagta-tagalog sa Walmart, hahanapin mo yung may-ari ng boses.
Na mahal ang pinoy corned beef sa Asian store
Na sayang ang pagka-fluent mo in beki kasi walang maka-gets pag napasabi ka ng “choz!”
Na unlimited man ang ketchup, mustard or barbecue sauce, maghahanap ka ng Mang Tomas.
Na pag wala ka pang lisensiya, mami-miss mo ang jeep, tricycle, fx, at ang isang dosena pang ibang forms of transportation na pwede mong sakyan sa Pinas para makarating from point A to point B… lalo na kung di walking distance ang 7-11.
Na walang sinabi ang ulan dito sa ambon natin diyan. Parang nakikiraan lang, di ka man lang makatapos ng isang sad bastard playlist.
Na di madaling makahanap ng liempo, buto-buto, o di kaya isdang may ulo o balat (hindi fillet)
Na walang calamansi, at ang lemon at lime ay hindi sapat
Napakarami kong natutunan tungkol sa sarili ko dito. Siguro kasi tahimik, naririnig ko ang sarili kong mag-isip. Ang ingay nga dito (turo sa ulo) eh. Pero sa susunod na yun, kota na ang tita mo sa realizations
No comments:
Post a Comment